Gusto ko lang i-share ung moments na pinagdaanan ko during the time na before and after ako manganak..
Sabi sa 3rd (at 7months) ultrasound ko nun, earliest possible date na pwede ako manganak ay May 20 at ang bebi ko ay girl. Sobrang excited ako so May 1 pa lang namili nko ng mga gmit, little dresses, cute mittens and socks, bath tubs, diaper bags, etc. Nagfile ako ng vacation leave ng May 15 then rest na lang sa bahay waiting for the big day.
Lumampas ang May 20, di pa rin lumalabas si bebi, so ang next due date is June 5, according nman yan sa first ultrasound ko (at 4months old). Medyo mataas pa ang tiyan ko that time kaya wala akong ginawa kundi ang magmall pra nman mkpaglakad-lakad. June 4, I had this bleeding so I went agad sa pedia para ma-check. Pero that time 1 cm pa lang so malayo pa daw. Medyo na-dissapoint ako akala ko kase un na. Hindi ako nttakot manganak, mas nangingibabaw ang excitement na makita ang bebi ko. I really wanted a bebi girl kase.
1 week has passed. June 11 came - my original due date. Based nman to sa LMP ko. Medyo kinabahan na rin ako pero ntapos ang araw, wala pa ren. Continous pa rin ang bleeding pero ang sbi ni Dra. that time eh ok lang daw nman un. Dumaos ang Independence day at nkulitan na yta si Dra sa akin kaya sabi nya eh i-admit na daw ako that night at iinduce na. Kase ayaw talaga bumuka ng pelvis ko kaya dadaanin na lang daw sa santong paspasan.
So nsa hospital nko by 6pm ng June 12 (excited na tlaga) and ready na for induction. Wala na tlaga akong pkialam khit deep inside ay nttakot ako sa labor pains. Nkailang IE si Dra sa akin pero hanggang 1.5cm lang talaga. So nttakot nko na baka ma-CS ako pero sbi ko sa sarili kailangan ko kayanin. Di nman sa ayaw ko ma-CS pero goal ko tlaga is normal delivery para nman mother na mother ang dating.
2 am ng June 13 nka-schedule ang induction. Pero mga 1 am pa lang nkramdam nko ng hilab. Akala ko effect lang un ng castor oil na pinainom sa kin pero labor pains na pala un. Nung una naiinda ko pa (para lang kasing sakit ng nag-LBM) pero nung mga bandang 5 am na, aba! NDI NA AKO PINATULOG. Ang nkakainis pa eh ung tipong mkkatulog ka na tsaka aatake ang sakit. Super nagmamakaawa na nga ako sa partner ko na tawagin na ung doctor pero everytime na i-IE ako eh 4cm pa lang daw, so mataas pa si bebi. Then sa sobrang feeling ko na ndi ko na kaya ung sakit eh nagpapa-CS nko hehehe. Ntatawa ako everytime na maiisip ko ung pnagsasabi ko nun. Like "parang awa mo na, ipa-CS mo nako" hehehe. Buti nalng my Dra is not that mukang pera unlike other doctors kahit pwede nman inormal eh sini-CS nila pra malaki ang PF hehe. As long as alam nyang OK si bebi sa loob at alam nyang kaya ko i-normal, hinintay nya tlaga.
Finally, at around 10 am of June 13 (tagal ko naglabor no!) my bebi Janea Louise came out. Narinig ko pa sha umiyak and nakita ko rin sha hawak ng mga nurse, pero ndi ko na sha nkuha kase sobrang hilo ko na (nagpa-painless kase ako, dhil feeling ko that time eh mamamatay nko hehehe). Naktulog nko and nagising ng mga 1pm na. Kumain agad ako ng lunch at gusto ko sanang makita si bebi pero wala pa daw advise ang pedia. Sbi lang ni partner, 7.8 lbs daw, maputi, kamukha daw nya! hehehe. Excited na tlaga ako kaya lang nde nman ako pwede bumaba sa nursery kase baka daw mabinat. So I had to wait for the next day para makita si bebi.
Ibang klaseng fulfillment nung nkita ko ang pagka-cute kong baby. Na-notice ko agad ang pisngi nyang matambok hehehe. Sbi nga nila sobrang worth it daw lahat ng hirap at sakit once makita ang bebi. Hindi ko ma-imagine na nagkasya sha sa tiyan ko eh kase ang laki-laki nya at ang haba pa! Binulong ko nga sa knya (khit di nya ko naiintindihan or naririnig) "Aha! nagkita din tyo! kaw pala ung gumagalaw-galaw at sumisipa sa loob ng tiyan ko ha!"
Tpos un, I held her na ren, di na sha mahirap hawakan kase malaking bata nman sha! Mga hapon, nagdischarge na rin kame. No reasons na para magstay ng matagal sa hospital. Dagdag gastos pa un.
That night, ayan na, umpisa na ng puyatan. Ndi ako pinatulog ni bebi dhil khit tulog sha, gising ako to check if OK sha. I love staring at her face. I love massaging her head and kissing the tip of her nose. Khit mapuyat na, wala ako care. Anyway, its all worth it.
Thursday, August 3, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment