How time flies..my little Janea is nearly 3 months now..I remember during her first couple of weeks, aligaga talaga ako sa pag-aalaga sa kanya lalo na sa gabi..Madalas syang mamuyat at sobrang stressed ko tlaga during those times. Medyo pumayat nga daw ako e.hehehe..ang lakas nya dumedede, di ko sya na-breast feed cguro mga 2 weeks ko lang sha n-breastfeed pero kulang pa ren.Nag-infant formula pa ren sha. 10 days lang ung malaking gatas. Pno every 2 hrs ay nagdedede. Minsan nga 1 hr pa lang umiiyak na at gutom na nman.
First month nya, medyo nkakaaninag na sha, nsusundan na nya ung mga bright colors na pinapakita ko sa kanya. Marunong na rin sha magrecognize ng sounds, pag pinarinig ko ung toy nya sa right, lilingon sha sa right at as if hinahanap where the sound is.
Second month, dinala na nmen sha sa mall! hehe..lakwatsa agad no, this time super nkakausap na sya, super daldal at cheerful. Pag tinawag mo sha eh lilingon na sha sayo. Then ung tulog nya is normal na. Sleeping time is mga 9:30 pm tpos gising na ng mga 6 am! whew! minsan nga pag ngigising ako ng mga 2 am, ginigising ko na sha para lang magdede. nkakaaawa kase bka ngugutom na pala eh di lang mkgising sa sarap ng tulog. Ginawan kase sha ng duyan, so since nagduyan na sha eh super tulog lang ang ginagawa nya. Pag gising nya eh super good mood nman at super smile.
Then ngyon 1 week na lang 3 months na sha, this time nkakatulog na sha mag-isa, without hele, without duyan. Bsta nka-dede na, solve! Asahan mo tulog na. Pag gumalaw-galaw, pasak chupepa lang tulog na nman..hehhehe! Ang bait ng bebi ko no, di tulad ng ibang babies, pasaway sa mga mommies nila. Tska never a time na nag-alburoto sha, iiyak lang pag gutom..ung iyak nya pa parang ingit lang. Pero npansin ko, ung bebi ko sensitive..pag sinigawan mo sha, (not actually sigaw, parang pag npalakas lang boses mo) akala nya sinisigawan na sha, iiyak..un bang lulukot ung muka, na parang ngpapaawa. hehehehe..ang cute tlaga..super daldal nya pa tlaga. Akala mo malaking baby na at npaka-tsismosa! At naku, ang sakit na ren nya manipa, ang likot-likot eh, sipa ng sipa, tas ung arms nya super derecho, para bang naghahamon ng boxing..tas pag nilapit ko ung finger ko sa hands nya, ibubukas nya un tas hahawakan nya fingers ko.
Then pagkadating ko ng bahay galing office, pagka tulog sha, tatawagin ko lang sha ng mahina didilat-dilat un mata nya tas pag totally gising na, mag-ssmile sha..Pero pag gising nman sya, pag nkita na ako tatawa na un..tas maglulumikot na nman, sumisipa, ung para bang excited? hehhee sarap ng feeling...
Pero pansin ko din mas gusto nya sa daddy kaysa sa kin..Kase pag umiiyak un, tas ako mag-aalo, ayaw nya iiyak pa rin..pero once na kinuha na sha ng daddy nya at sinayaw-sayaw, titgil na..tatawa pa, parang nang-aasar pa hehehe..Or kaya magpapadede, ayaw nya ako, gusto nya daddy nya, para ngang may isip hehhee kulet no?
Sarap tlaga magka-baby..little angel ko sha tlaga..swerte sha ng buhay ko
Sunday, September 3, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment