Monday, December 18, 2006

randomness

Janea is sick..Nagsusuka at nagtatae.. But she does not have fever. I believe she's starting to have teeth now.. Pero Im still worried kase simula kninang madaling araw kada feed nya eh sinusuka nya, pero ngyon morning lang sya nagstart magtae. Nkkadalawang tawag na ako sa bahay to check up on her at ndi na daw sya nagsusuka. Thank God..pero di pa rin sure na magaling na sya. So tawag-tawag na lang ako to make sure na ok na nga ang anak ko, if not, im gonna bring her to her pedia na mamaya. Nkakaloka talaga pag may sakit ang anak noh..tsk! tsk! I hope she gets better na talaga..


Last Friday, I went to Coats Christmas Party. In fairness, sa past 2 xmas parties na ginawa nila na nkita ko, that was the happiest one. All the mtv presentations were great, so as the food and the people with costumes as well. Masaya naman nung gabing yon. I missed the people, i missed the company. Laptops (defective nga lang hehehe) are the major prizes for the raffle. Then marami silang giveaways and gifts, but those are for the Coats members only hehehe. May gimik pa nga sila right after kaya lang tinamad na ako sumama so umuwe na lang ako :)


Saturday, we went to Megamall..Di na kme nagdala ng stroller kase alam nmen na maraming tao. Kaya yon, dusa naman kame sa pagbitbit kay Janea. hehe. Di ko na binili si Janea ng damit coz sobrang dami na nyang damit na ndi pa talaga nasusuot. May mga damit nga sya na once lang nasuot then after di na kasya kase ang bilis nya lumaki. Ang dami nya ring shoes. Haay. wla lang..So meron na syang pamasko hehe. Bkit kaya pag pasko kailangan lagi bago noh? hehe.


Un lang naman. Mamaya dito nman ang xmas party sa Fujitsu. Gonna be held at Dusit Hotel. Sosyalan ah. 80's naman ang theme nila. hehe. Im thinking twice if i'll attend or not. Bahala na. Depende rin if my Janea would get better na ren.


I got a new phone. Err, i think its a toy hehe. Motorola w220. Inangkin na kase ni Bon ung razr ko. feeling kanya hehe. Its a basic phone, no camera, bluetooth, etc. Basic lang talaga. But it has FM radio. So nkakalibang din. Plus its color metallic pink so its so cute na rin.


So that's all for now. Gonna blab na lang next time.

Friday, December 15, 2006

weekend

Ola! weekend na yahoo! time to rest and spend time naman with my little Janjan. Im so excited na to get home, i got nothing to do here, for this week, the team got NO LOAD. sarap. All we got to do is to wait for 6 pm to pack up things and go home. ehe. pero baka next week loaded ako coz i need to go home late by Friday next week kase may maintenance akong babantayan. And also, i need to move mail files to another server, dhil made-decommissioned na yung current server nila (can relate ba?) hehe sensya na, wala ako masabi eh.

Natutuwa ako kay janjan coz she's really madaldal na talaga, she knows how to make facial expressions na rin, also, she plays with her laway most of the time..ehe kulet nga e. Then she also knows how to stop making noise pag sinaway mo kunyare. Then gising sya mga bandang 11pm, maglalaro kame and tulog na nman mga 1pm. Siya ren ang gigising sa akin ng mga 7am den i'll feed her favorite Cerelac and then have her take vitamins before I leave for the office. Gnun ang eksena nmen magnanay pag may pasok ako. Pag-uwi ko nman galing office, doesnt matter how early i am (earliest is 730pm) tulog na sya. Minsan ginigising ko, pero nagwawala. Nyay Bad mommy!

Today, I have good news, just checked my atm and I got my 14th month (my Christmas bonus, so to speak)..But as the new person that I am, I have deposited half of it to Janea's bank account. Yey! Karir huh! hehe..

Christmas party din nga pala sa Coats mamaya, Jonas has invited me and said he'd be paying for my entrance fee, pero tinatamad yata ako..hehe..Mas gusto ko na lang yata umuwe at matulog..

Have a nice weekend everyone!

Wednesday, December 13, 2006

save save save!

Just this morning, i went to PSBank to open an account that was named after me and my daughter. I am so happy when i went out of the bank. Its just that this is my FIRST TIME to do this. After 2 long years of working, this is the first time I got a bank account aside from my payroll of course. hehe. sobra kase ang gastos ko. And now i realized that kailangan ko na mag-ipon. Na i should stop buying things that are not important. Dati kase ubos-biyaya talaga ako. Every payday, gastos dito, gastos don. Eh ngyon, I saved half of my 13th month, and to follow would be our Christmas bonus. Then iba pa ung part ng aking salary. Sabi ko sa sarili ko, every month, khit mgkno, dapat mkpag-save ako. This is for my baby. Hangga't baby pa sya, dapat may ipon na sya. This is for her future per say. Ung mga luho ko? nah, forget about them. Nanay na ako ngyon, priority ko na ang anak ko. Ang mga needs nya muna bago ako. ehe. ako ba ito? Sana nga mpanindigan ko. Kaya nga passbook account ang inopen ko..para iwas withdraw anytime. hehe. Dati kase, kung di pa ako susuweldo, di pa ako mgkakapera. Eh pano na lang kung emergency (wag nman sana) pero maganda na ren kung may kukunin ka in times of needs. well, i have learned so much now. Maayos na pag-iisip ko pagdating sa pera. I have my self control na when it comes sa paggastos. At sana tumagal ito.

Nagbayad din ako ng credit cards. I have 2 credit cards at the moment. May dumating pa ngang isa which I dont know na nag-apply pala ako don. Bigla na lang dumarating. Pero di ko pa yon pina-activate. Shempre iwas gastos nga eh. Display lang muna haha!

Well thats all for now, sarap pala ng feeling when you start saving. hehe.

Monday, December 11, 2006

there...

Been raining for the past few days..and ang sarap sarap matulog sa gabi..lagi kmi magkatabi matulog ni janea, and i feel she's really comfortable when i hug her during sleep in the middle of the cold night. Sarap ng feeling when she turns around me and rest her arms around my neck, as if she's hugging me too. haay..memorable moments :) sana paglaki ng baby ko, gnun pa rin sya ka-sweet.

Kya lang ang disadvantages ng ulan is that nkka-bored sa bahay. Last Sunday, I wanna go to the mall with janea sana, kaya lang we cant go out due to heavy rain. kaya ayon, aga nmen natulog magnanay. Around 8 pm, we're sleeping already. Her dad kse would have to be awake by 2:30 am. Pasok kase is 4 am. shempre, call center dude eh. hehe.

Sinundo ako ni Bon here sa office yesterday and we went to Glorietta. We ate dinner at KFC and window shopped. I bought Janea a toy from Leap Frog. Its a singing frog with a tune of A-B-C. Cute nga eh. We also bought lotsa bread from BreadTalk. I really like what they sell there.

Sobrang sarap. And cheaper than French Baker though. Un lang naman. We came home around 10pm na. And janea's already sleeping. Di na nya nhintay ang pasalubong ni mommy :)

When we woke up knina, i gave janea her toy, and i believe she's really happy. :) I bet she liked what her mommy gave her. She really like the tune and she keeps on smiling every time i play it. And oh, I forgot to mention that I also bought her a Audio CD of nursery rhymes. I will play it every morning when she wakes up.

Then knina, I met with a good friend Raymond at McDo Greenbelt. I forgot to bring the souvenirs from the binyag which is supposedly for him (he's one of the ninongs). We ate at McDo and kwentuhan to the highest level. From the start where we met (PinoyCentral chat) and those we call "hampaslupang" people there hahaha! harsh noh? About our friends like Lhanie, who is lucky to have her own karu (Adventure), Neil, Nina, so on and so forth. And of course, EMERSON. who happens to be my biggest regret in life. Come to think of it, super duper patay na patay ako sa kanya before na umabot sa point na magkandaiyak-iyak ako anywhere na kung san man ako at maalala ko lang sya ay naiiyak na ako hehe. Kadiri those moments talaga. hahaha! Ewan ko ba, ngyon na-realize ko na sino nga ba siya para pagaksayahan ko ng panahon dati..haay buhay..Gnun nga talaga siguro :)

These were the updates, I got nothing to do so there. :)

Friday, December 8, 2006

plans

haay, weekend again..im gonna rest for the whole 2 days. got to sneak out from work and play with my little one. Work is not body tiring, but mind tiring. gets? You have to think of solutions to those user problems. What the hell are they doing with their Notes Clients, and if something goes wrong, we are the one responsible for fixing it. hehe. Anyhoo. it makes money. Then why not? hehe. Hun will start with his new work later. Meaning, he's not gonna sleep with us. aww..no one will wake up if Janea will cry? hehe. But its ok, mommy's here naman. hehe.

Then again, financial problem still exists for me..gosh, no bucks to buy even a box of Go nuts donuts that i am craving for weeks now. grabeh..Backpay, 13th month, even the christmas bonus were all gone just to pay debts. badtrip. but thats life, bawi na lang me sa January. By that time, medyo maluwag na ako. at mkkpag-ipon na.

I have several plans for me and for my family. At age 23, I wanted to avail this installment condo near our house lang in Pasig. There's no DP so how cool is that. Its about 60 sqm 2 storeys with 2 BR. ok na noh. You have to pay 7,300 per month but for 10 years. If you want shorter term, then you have to pay bigger amount monthly. Another option is to buy this lot sa subdivision nmen. with 20% DP, only 4500/sqm. Mura na noh.. kaya lang ang worry ko is baka nga in 5 years eh matapos ko ang lupa, wala ng pampatayo ng bahay.heheehe. Ano yon, we'll just build a tent tpos dun kame tira.hehehe..

Another one, next year, i plan to buy a car. 2nd hand lang. and ung lower model, para mas mura. kase need lang nmen for the baby. and for our pleasure. haha! pero mas priority ko ang bahay shempre.

Also im planning to get this educational plan for my baby. pero doubt din ako kase im hearing several bad news about sa mga educational plans ngyon. Eh baka sa panahon na magcollege na si Janea eh totally wala na sya makuha. Iniisip ko bank savings na lang. pero naku, baka maya't maya magalaw ko din. hehe

Dami kong plans noh. Sana matupad lahat yan. khit di naman sabay-sabay. One at a time pwede na. Siguro in 10 years, kung babawasan ko na talaga pagiging shopaholic ko, ay nako, siguro tupad to. pero sana nga...sana nga...
so much for my plans. anyway plans pa lang naman yan. hehe. i wanted to go home na. kaya lang tamad pa ko..mya-mya konti.ehhe. Tska baka traffic pa to Pasig ngyon, fiesta eh..baka may prusisyon pa dun or parada. Eh ma-traffic pa ko.. mamaya na nga lang.

Wednesday, December 6, 2006

im back

im back with Blogger! oh well, slightly unhappy with it coz i think they dont accept HTML anymore. if i use another template from blogskins, they accept XML which the hell i dont know and im not aware of. damn. how stupid can i get.hehe. and also, wla na ako panahon maghalukay ng code source ng iba coz im fully loaded here sa office. so i dont have any choice but to use this default template theyre giving away for new users. how i wish i could revive my old blogs. but all of them are deleted now, so i really dont have a choice..
if you can see below, i re-posted some of my entries which i got from my multiply account. just to unify my journal. though i changed the dates, para mas makatotohanan. hehe.
yey! i am now a year older. my birthday passed just like an ordinary day. Difference is that, i now have my Janea. what a womderful birthday spending with her. :)
my hun greeted me, my friends, but not my family. :( i dont know if they intentionally forgot it because of what i did..(we had a family problem during past weeks) so there. im used to it. even my mom, but later that afternoon, she YMed me saying sorry coz she forgot to greet me that morning. so i said its ok. :) ah basta, im having a sort of a little problem sa haus which im not happy of course.. :( christmas is getting near pa man din. anyhoo, my hun fetched me here sa office and treated me sa world of chicken sa Glorietta. We'll watch movie sana kaya lang wala na ung gs2 ko panoorin. kaya umuwi na lang kme.
we also had Janea's christening na last Dec 2 at the st. francis church. and the reception was at the cabalen resto in megamall. relatives and some close friends lang ang pumunta, as well as the ninongs and ninangs. The whole day went fine naman and i am so tired. Inuman kami sa bahay that night. Lasing na lasing ako and i woke up last Sunday mga 11 am na yata. Simba kame ni Bon sa edsa Shrine and we ate sa Mcdo lang. there. Nga pala, speaking of Bon, he resigned from his company and get a new one agad :) sa call center in greenhills. he'll be starting na nga this Saturday. Nice one!
what else, no new updates.. right now, here sa office, a colleague treated us pancit, barbecue, and cassava for his birthday! he got it delivered from Buddy's. Actually masarap dun..kaya lang medyo malayo dito sa office kaya nde nmen mpuntahan.
let's see if i'll be able to update this blog...hehe
got to go..

Thursday, November 23, 2006

what happened...

What happened during the last months...
well..I can say a lot!!!
Me and Bon had a fight, we almost parted ways, but still we give ANOTHER chance to change ourselves for the better. And I guess its kinda working right now..i hope it'll last..
A financial crisis came to me..super big big debt to be paid. I almost beg for help to my friends whom I expected to help me..Eventhough persons I am not affiliated to..That's how I NEED MONEY. Someone kind hearted helped me and I did not expect her to lend me some.. But anyway thanks to her. Thanks also to my friends that though they were not able to help a bit, at least they listened.
My Janea's christening's all SET-UP!..Will post some details some other time. We're just doing the reception in an EAT-ALL-YOU-CAN resto, to feed up those hungry stomachs. Invitations and souvenirs are all D-I-Y. well, I hope everyone would like it.
My tita and EM arrived from Japan just last week. EM is so purely Japanese na. Cant even speak Tagalog. I really love her when she sings Japanese kiddie songs that she has learned from school. She called Janea "aka-chang" which means baby. How she loves Janea. She even said she will bring Janea back to Japan. Even my tita loves my baby so much. She always hugs and kisses her. Sobrang gigil. hehe.
My mom will also arrive on Monday. Well, what a nice Christmas, buo ang family. I cant imagine how could that be. In almost 7 years, this is the FIRST TIME im gonna be with my mom during christmas. Pretty cool eh.
As for my Janea, she's so big na. Natutukod na nya ung legs nya..She can crawl na ren. She can sit. And even more talkative. She began to eat Cerelac and cookies few weeks ago. And started to like water even without Karo Syrup. Cool noh. What else? Still hairless! hehehe...
Work..doing fine here in Fuijitsu..and good news! Last week sa Coats..yahooo..but Im gonna miss everybody there for sure. Those sneaky nights/moments, singalongs/videokes, sugal moments..basta all of them! wahh naiiyak na ko..hehe..
So there..

Thursday, October 12, 2006

other tsikas

I am so excited..In one month time we will be holding Janea's baptismal na.. I have to wait pa kase for my tita and my mom's arrival here sa Pinas before nmen sha pabinyagan. Kung gsto ko nga lang sna this September na kaya lang nkiusap sila na wait ko sila at sila daw ang magbabayad.. hehehe why not!
But until now, wla pa ren akong mga Godparents.Pinag-iisipan ko tlaga kung sino mga kukunin ko. Di nman puwedeng basta-basta na lang diba? Dapat nman eh ung may karapatan hehehe.. Tsaka wala pa ren akong venue..Diyos ko hirap ng ganito.. ehehe.. Ayaw ko ng Max's gasgas na mashado yun.. Im thinking of getting a caterer pero san nman place, alangan nman sa bahay pa, dagdag trabaho pa un..Or puwede din sa Cabalen, kaya lang di nman dun masarap..iniisip ko sa Dencio's, Something Fishy or sa Gerry's. Haay ang hirap! Suggest nman bawat mkakabasa nito, suggest nman kayo..Meron na ako simbahan eh, gusto ko sa Immaculate church at Pasig, which is now Immaculate Concepcion Cathedral. I want to have it privately kaya lang Mon-Fri lang ang private. So definitely Saturday na lang, pero may kasabay. Ano pa ba, ayon nga nag-iisip ako kung saan ang reception.
help me guys!
Kahapon, Bon and I window shopped dresses at Glorietta. Dami cute na dresses na pambinyag, me kase I want it long (not so long) for Janea. Then magpapalit na lang sa reception (may ganun pa?hehe). May nkita ako sa Babyland for only 800. Pero di muna nmen binili, tsaka na pag malapit na talaga ung day. Then I bought her 2 blouses from Gingersnap. And maong pants from Big & Small Co. Sarap talga bihisan ng baby girl. Lalo na ung mga blouse sa G'snap, puro pandalaga na, meron silang mga racerbacks and meron silang mga tube, also mga bermuda shorts, etc. Medyo mahal nga lang talga. Hirap nga magpigil sa gastos eh. hehe.
Tpos we ate sa North Park. Wow grabe sarap pala dun. That was my first time to eat there (inosente eh no) sarap talga, and affordable pa!! Can you imagine, if you'll look at the place akala mo bigatin, but no! super affordable sya. Mas mahal pa sa Mann Hann eh. Mas masarap din. For sure uulit ako dun. I like their prawn dumpling (hakao) a must try!, I also like asado siopao, their fried rice, their siomai is also masarap, (just imagine kung gano karami ang inorder nmen hehe) and their lechon macau. Superb! You must try there. Its located at Park Square 2. I bet you'll be satisfied and burp bigtime!
Then kanina, our big bosses from Australia and Sinagpore went sa office sa Makati, they're mabait din nman..cool nga coz parang di sila mga boss. They treated us at Hao Tsen Lou Resto (hope i get it right) just in front of the Fujitsu House. In fairness ok nman food nila, pero not that masarap. Masarap lang yung yang chow fried rice nila. Pero other than that, ok lang yung iba. Ordinary. The place is so elegant, and un lang. wlala na ko masabi. Im sleepy, ready to sleep in an hour. hehehe..
poofff!!

Tuesday, October 10, 2006

updates! updates!

HELLO!!
well, i have nothing to do kasi so naisipan ko magblog.. updates about my baby,well, she's nearly 4 months na, (in 3 days) and she's so big na! she can carry her head at nkakarga na sha ng nkapaharap syo (can you imagine) pero minsan support pa rin ung likod kase baka biglang magliyad eh mabali nman ang likod nya. minsan nagta-try na sha dumapa, pero di pa ren successful hehe, hanggang patagilid lang ang kaya nya. She's so madaldal na, meron na shang patili-tili na nlalaman and so cheerful! sleeping habits? im so lucky tlaga coz sabay na ang tulog nmen ng baby ko.. medyo minsan mahirap na shang patulugin coz all that she wants is karga and play(sinanay kase ng daddy nya). I bought her some toys na ren na she could appreciate at her age, and bought her clothes na mga kikay..hehe..kase masarap na sha bihisan coz naitatayo na sha, unlike before lagi nkhiga. She changed her milk na rin from Similac to S26 Gold. Much cheaper, buti na lang. hehe..and she's drinking tiki-tiki na ren as her one of her vitamins. (not to mention Pedcee and Cherifer)
Update nman sa amin ng hunie ko, hmmm...i can say na we are now having the highlights of our relationship..napapadalas ang away nmen, i mean ang away ko sa kanya.ewan ko ba, ang dami ko nkikitang mali sa kanya, ang dami kong pinupuna..Ngkakasamaan kame ng loob yah. pero di nya ako pinapatulan.Thats what I like about him, pinapalipas nya galit ko, lately na-realize ko na im so lucky to have him, na kahit medyo kulang sya sa ibang bagay, eh sobra nman sha sa kabaitan.sobra sa patience, sobra malambing and lhat na! Kya love na love ko pa ren sha! and we're happy together..
About me nman, I got a new job..i mean old job but new company. im now hired as a Lotus Notes Administrator in Fujitsu Phils. WeCare Technology Services(ndi ko kumpletuhin hehe) but im having a hard time coz im still finishing my 3 months contract here at Coats so you heard me right, work at Fujitsu in the morning and Coats sa evening..so pano ko nggawa un? Sikreto ko na lang un ehhehe! Pero baka sabihin nyo super yaman ko na at dalawa ang work ko, nope! medyo lang..hahahaha!!
ok bye for now..til next time..

Sunday, September 3, 2006

How time flies..my little Janea is nearly 3 months now..I remember during her first couple of weeks, aligaga talaga ako sa pag-aalaga sa kanya lalo na sa gabi..Madalas syang mamuyat at sobrang stressed ko tlaga during those times. Medyo pumayat nga daw ako e.hehehe..ang lakas nya dumedede, di ko sya na-breast feed cguro mga 2 weeks ko lang sha n-breastfeed pero kulang pa ren.Nag-infant formula pa ren sha. 10 days lang ung malaking gatas. Pno every 2 hrs ay nagdedede. Minsan nga 1 hr pa lang umiiyak na at gutom na nman.
First month nya, medyo nkakaaninag na sha, nsusundan na nya ung mga bright colors na pinapakita ko sa kanya. Marunong na rin sha magrecognize ng sounds, pag pinarinig ko ung toy nya sa right, lilingon sha sa right at as if hinahanap where the sound is.
Second month, dinala na nmen sha sa mall! hehe..lakwatsa agad no, this time super nkakausap na sya, super daldal at cheerful. Pag tinawag mo sha eh lilingon na sha sayo. Then ung tulog nya is normal na. Sleeping time is mga 9:30 pm tpos gising na ng mga 6 am! whew! minsan nga pag ngigising ako ng mga 2 am, ginigising ko na sha para lang magdede. nkakaaawa kase bka ngugutom na pala eh di lang mkgising sa sarap ng tulog. Ginawan kase sha ng duyan, so since nagduyan na sha eh super tulog lang ang ginagawa nya. Pag gising nya eh super good mood nman at super smile.
Then ngyon 1 week na lang 3 months na sha, this time nkakatulog na sha mag-isa, without hele, without duyan. Bsta nka-dede na, solve! Asahan mo tulog na. Pag gumalaw-galaw, pasak chupepa lang tulog na nman..hehhehe! Ang bait ng bebi ko no, di tulad ng ibang babies, pasaway sa mga mommies nila. Tska never a time na nag-alburoto sha, iiyak lang pag gutom..ung iyak nya pa parang ingit lang. Pero npansin ko, ung bebi ko sensitive..pag sinigawan mo sha, (not actually sigaw, parang pag npalakas lang boses mo) akala nya sinisigawan na sha, iiyak..un bang lulukot ung muka, na parang ngpapaawa. hehehehe..ang cute tlaga..super daldal nya pa tlaga. Akala mo malaking baby na at npaka-tsismosa! At naku, ang sakit na ren nya manipa, ang likot-likot eh, sipa ng sipa, tas ung arms nya super derecho, para bang naghahamon ng boxing..tas pag nilapit ko ung finger ko sa hands nya, ibubukas nya un tas hahawakan nya fingers ko.
Then pagkadating ko ng bahay galing office, pagka tulog sha, tatawagin ko lang sha ng mahina didilat-dilat un mata nya tas pag totally gising na, mag-ssmile sha..Pero pag gising nman sya, pag nkita na ako tatawa na un..tas maglulumikot na nman, sumisipa, ung para bang excited? hehhee sarap ng feeling...
Pero pansin ko din mas gusto nya sa daddy kaysa sa kin..Kase pag umiiyak un, tas ako mag-aalo, ayaw nya iiyak pa rin..pero once na kinuha na sha ng daddy nya at sinayaw-sayaw, titgil na..tatawa pa, parang nang-aasar pa hehehe..Or kaya magpapadede, ayaw nya ako, gusto nya daddy nya, para ngang may isip hehhee kulet no?
Sarap tlaga magka-baby..little angel ko sha tlaga..swerte sha ng buhay ko

Thursday, August 3, 2006

one tough job

Gusto ko lang i-share ung moments na pinagdaanan ko during the time na before and after ako manganak..
Sabi sa 3rd (at 7months) ultrasound ko nun, earliest possible date na pwede ako manganak ay May 20 at ang bebi ko ay girl. Sobrang excited ako so May 1 pa lang namili nko ng mga gmit, little dresses, cute mittens and socks, bath tubs, diaper bags, etc. Nagfile ako ng vacation leave ng May 15 then rest na lang sa bahay waiting for the big day.
Lumampas ang May 20, di pa rin lumalabas si bebi, so ang next due date is June 5, according nman yan sa first ultrasound ko (at 4months old). Medyo mataas pa ang tiyan ko that time kaya wala akong ginawa kundi ang magmall pra nman mkpaglakad-lakad. June 4, I had this bleeding so I went agad sa pedia para ma-check. Pero that time 1 cm pa lang so malayo pa daw. Medyo na-dissapoint ako akala ko kase un na. Hindi ako nttakot manganak, mas nangingibabaw ang excitement na makita ang bebi ko. I really wanted a bebi girl kase.
1 week has passed. June 11 came - my original due date. Based nman to sa LMP ko. Medyo kinabahan na rin ako pero ntapos ang araw, wala pa ren. Continous pa rin ang bleeding pero ang sbi ni Dra. that time eh ok lang daw nman un. Dumaos ang Independence day at nkulitan na yta si Dra sa akin kaya sabi nya eh i-admit na daw ako that night at iinduce na. Kase ayaw talaga bumuka ng pelvis ko kaya dadaanin na lang daw sa santong paspasan.
So nsa hospital nko by 6pm ng June 12 (excited na tlaga) and ready na for induction. Wala na tlaga akong pkialam khit deep inside ay nttakot ako sa labor pains. Nkailang IE si Dra sa akin pero hanggang 1.5cm lang talaga. So nttakot nko na baka ma-CS ako pero sbi ko sa sarili kailangan ko kayanin. Di nman sa ayaw ko ma-CS pero goal ko tlaga is normal delivery para nman mother na mother ang dating.
2 am ng June 13 nka-schedule ang induction. Pero mga 1 am pa lang nkramdam nko ng hilab. Akala ko effect lang un ng castor oil na pinainom sa kin pero labor pains na pala un. Nung una naiinda ko pa (para lang kasing sakit ng nag-LBM) pero nung mga bandang 5 am na, aba! NDI NA AKO PINATULOG. Ang nkakainis pa eh ung tipong mkkatulog ka na tsaka aatake ang sakit. Super nagmamakaawa na nga ako sa partner ko na tawagin na ung doctor pero everytime na i-IE ako eh 4cm pa lang daw, so mataas pa si bebi. Then sa sobrang feeling ko na ndi ko na kaya ung sakit eh nagpapa-CS nko hehehe. Ntatawa ako everytime na maiisip ko ung pnagsasabi ko nun. Like "parang awa mo na, ipa-CS mo nako" hehehe. Buti nalng my Dra is not that mukang pera unlike other doctors kahit pwede nman inormal eh sini-CS nila pra malaki ang PF hehe. As long as alam nyang OK si bebi sa loob at alam nyang kaya ko i-normal, hinintay nya tlaga.
Finally, at around 10 am of June 13 (tagal ko naglabor no!) my bebi Janea Louise came out. Narinig ko pa sha umiyak and nakita ko rin sha hawak ng mga nurse, pero ndi ko na sha nkuha kase sobrang hilo ko na (nagpa-painless kase ako, dhil feeling ko that time eh mamamatay nko hehehe). Naktulog nko and nagising ng mga 1pm na. Kumain agad ako ng lunch at gusto ko sanang makita si bebi pero wala pa daw advise ang pedia. Sbi lang ni partner, 7.8 lbs daw, maputi, kamukha daw nya! hehehe. Excited na tlaga ako kaya lang nde nman ako pwede bumaba sa nursery kase baka daw mabinat. So I had to wait for the next day para makita si bebi.
Ibang klaseng fulfillment nung nkita ko ang pagka-cute kong baby. Na-notice ko agad ang pisngi nyang matambok hehehe. Sbi nga nila sobrang worth it daw lahat ng hirap at sakit once makita ang bebi. Hindi ko ma-imagine na nagkasya sha sa tiyan ko eh kase ang laki-laki nya at ang haba pa! Binulong ko nga sa knya (khit di nya ko naiintindihan or naririnig) "Aha! nagkita din tyo! kaw pala ung gumagalaw-galaw at sumisipa sa loob ng tiyan ko ha!"
Tpos un, I held her na ren, di na sha mahirap hawakan kase malaking bata nman sha! Mga hapon, nagdischarge na rin kame. No reasons na para magstay ng matagal sa hospital. Dagdag gastos pa un.
That night, ayan na, umpisa na ng puyatan. Ndi ako pinatulog ni bebi dhil khit tulog sha, gising ako to check if OK sha. I love staring at her face. I love massaging her head and kissing the tip of her nose. Khit mapuyat na, wala ako care. Anyway, its all worth it.